Myself

Ako si Lee. Ang gusto ko sa buhay ay makapagtapos ng pag aaral upang hindi na maghirap sina mama at papa. Maraming beses na akong napagtawanan ng mga kaklase ko sa school dahil maliit lang ang mga puntos na nakukuha ko sa mga pasulit pero nagtitiis pa rin ako. Nagtitiis kami sa pagpunta sa paaralan noon dahil walang kahit na ano mang sasakyan na dumadaan dahil yung daan ay hindi pa masyadong maganda lalo na kapag maulan ay maputik ang daan pero hindi yun naging hadlang para hindi ko na ipagpatuloy ang pag aaral ko. Nagpapasalamat din ako sa mga kaklase ko na bukal ang pusong magbigay ng pagkain sa akin kapag wala akong baon na kahit ano. Gusto kong makapagtapos ng SHS para may ipakita ako sa mga magulang ko. Hindi rason ang kahirapan para hindi ko ipagpatuloy ang aking pag aaral. Balang araw gusto kong matupad yung mga pangarap ko sa buhay at maging professional na coast guard.

Design a site like this with WordPress.com
Get started